Friday, June 3, 2011

Sinong pwedeng magmura? Sinong pwedeng mag-usap tungkol sa “sex”?

Lahat naman ng tao nagmumura eh. Opo, lahat. Kahit bata pero syempre di nila yun sinasadya at kahit sabihin man nila yun, walang meaning yun sa kanila. Ang kadalasan na nagmumura mga lalaki. Yung tipong kahit masaya, may “SHIT” na kasama. May “PUTANG INA” rin. Ang pagmumura, sa henerasyon ngayon, nagiging normal na lang. New generations = new habits. Normal para sa henerasyon ngayon at normal para sa mga lalake.

Ang kadalasan din na interesado sa usapang “sex” ay ang mga lalaki. Yung tipong “tag-libog” sila. Umiikot lang talaga ang usapan sa “sex”. Kahit ano pang sub-subject ng “sex”. Kadalasan, pinaguusapan to for entertain purpose only o di kaya minsan, for knowledge. Normal din daw yan sa mga lalake.

Eh bakit pag babae ang nagmumura at interesado sa sex ay parang mali na sa paningin ng iba? H`wag naman maging sexist! Babae ako so hindi na ako pwedeng magmura at hindi na ako pwedeng magsalita tungkol sa “sex”? Mali naman ata yun. May nagsabi sa akin indirectly sa isang group chat sa facebook ng:

Wholesome topic guys! BABAE TAYO.

Excuse you? Ano ngayon kung babae tayo? Ano ngayon kung babae ako at nagmumura ako at nakikipag-kwentuhan ako tungkol sa “sex”? Hindi ako mabubuntis kung makipag-usap man ako tungkol sa “sex”. Ito ang ugali ko. At hindi ko babaguhin to dahil lang sa babae ako. Feeling mo walang rerespeto sa mga babae pag hindi sila wholesome? DYAN PAPASOK ANG MGA TRUE FRIENDS. Sila yung makiki-join sa kalibugan mo o sa pagmumura mo. Meron ako nun. Ikaw? Meron ka?

Parang gan`to lang yan eh, porket lalake bawal ng umiyak? Porket lalake bawal ng magkaron ng circle of friends na mostly babae? Diba? H`wag kasing sexist. Mali. Maling mali.

Hindi mawawalan ng dignidad ang mga babae k`pag nagmura sila o nagusap tungkol sa “sex”. Nagpapakatotoo lang sila sa sarili nila. Hindi lahat Maria Clara. At lalong hindi lahat ng babae na nakikipag-usap sa iba tungkol sa “sex” ay Maria Ozawa. Porket hindi kayo nagmumura o walang alam sa “sex”,wholesome ka na ba kagad? SANGGOL NA LANG ANG WHOLESOME NGAYON. Lahat tayo may alam na mura at may alam sa subject na “sex”. Yung iba nga lang, outspoken sa bagay na yan. Yung iba, mas gustong sarilinin. Ayaw kong i-sarili yang bagay na yan dahil alam kong mas magiging masaya ang topic na yan kapag shini-share sa iba. Choice ko to, h`wag kang kupal.

Lahat pwede magmura. Lahat pwede magusap tungkol sa sex. Lalake ka man o babae. Walang rule na “Oh eto, basketball, topic lang yan ng boys” o di kaya “Oh bag and shoes, sa mga babae lang yan”. KUHA MO?

No comments:

Post a Comment